Home NATIONWIDE Habagat, LPA magpapaulan sa bansa

Habagat, LPA magpapaulan sa bansa

263
0

MANILA, Philippines – Magdadala ng pag-ulan sa maraming bahagi ng bansa ang habagat at isang low pressure area, ayon sa PAGASA.

Alas-3 ng madaling-araw, namataan ang low pressure area sa layong 380 kilometro hilagang-silangan ng Daet, Camarines Norte o 390 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora.

Dahil dito, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat hanggang malawakang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at Aurora.

Magiging maulap din ang kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat sa Metro Manila, Ilocos Region, nalalabing bahagi ng Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region, Occidental at Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Northern Samar.

Ang habagat naman ang magdadala ng maulap na panahon na may pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa nalalabing bahagi ng Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, Bangsamoro Region, at Palawan.

Bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may pulos-pulos na pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang mararanasan sa natitirang bahagi ng Mindanao. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here