Home NATIONWIDE Habagat magpapaulan sa Pinas; bagyo sa labas ng PAR, binabantayan

Habagat magpapaulan sa Pinas; bagyo sa labas ng PAR, binabantayan

322
0

MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan at pag-ulan ang Habagat sa Gitna at Katimugang Luzon, Visayas, at Mindanao ngayong Miyerkoles, ayon sa PAGASA.

Alas-3 ng umaga, may binabantayang bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsibility, 610 km sa kanluran ng Iba, Zambales, taglay ang lakas ng hangin na 55 kph at bugso na 70 kph, patungong silangan-hilagang silangan.

Apektado ng monsoon rains ang Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, Palawan, at Antique na posibleng magdulot ng flash flood o landslide dahil sa malalakas na pag-ulan. Magkakaroon din ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Metro Manila, Calabarzon, Bicol Region, Caraga, Davao Region, Pangasinan, at natitirang bahagi ng Visayas, Central Luzon, at Mimaropa, na may parehong banta ng pagbaha o pagguho ng lupa.

Sa ibang bahagi ng Mindanao at Luzon, inaasahan ang mga panaka-nakang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms na maaari ring magdulot ng flash flood o landslide.

Mararanasan ang katamtaman hanggang malalakas na hanging habagat at medyo maalon hanggang maalon na karagatan sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon at Visayas.

Sa Hilaga at Gitnang Luzon, magiging banayad hanggang katamtaman ang hanging timog-kanluran hanggang timog-silangan na may banayad hanggang katamtamang pag-alon, gayundin sa iba pang bahagi ng bansa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here