Home NATIONWIDE Habagat makakaapekto sa Luzon

Habagat makakaapekto sa Luzon

1
0

MANILA, Philippines – Patuloy na makakaapekto sa malaking bahagi ng Luzon ang Southwest Monsoon o Habagat kahit nakaalis na ang Bagyong Inday.

Ayon sa PAGASA, ngayong Lunes, Hulyo 13 ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, at Palawan.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms naman ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Luzon dahil din sa Habagat.

Habang ang Visayas at Mindanao ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa Localized Thunderstorms. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here