Home OPINION PBBM, PABABA NANG PABABA?

PBBM, PABABA NANG PABABA?

2
0

BAWAT matapos ang mga halalan, tayo’y laging umaasa na magkaroon ng pagbabago mula sa masamang kalagayan ng bansa patungo sa mabuti o kaya’y mula sa maganda patungo sa mas maganda.

Sa mga sarbey, nasagot ang pag-asa na iyon sa panahon ni dating Pangulong Digong Duterte.

Ito’y sa kabila ng mga batikos laban sa kanya sa simula hanggang sa katapusan ng kanyang termino.

Kabaligtaran naman yata ang nagaganap sa panahon ni Pang. Bongbong Marcos dahil patungo pa lang sa buong ikaapat na taon ang kanyang panunungkulan, magkasunod na ang mga sarbey na negatibo at lumalalang negatibo ang kanyang grado.

Ayon sa Social Weather Station, hindi happy ang mga mamamayan (satisfaction rating) sa kanyang ginagawa bilang Pangulo.

Noong Nobyembre 2025, -3 o bagsak ang grado ng Pangulo at nitong Marso 2026, anak ng tokwa, lalong bumaba ang kanyang grado sa -12 at nitong Mayo, 2026, lalong bumagsak sa -15 sa Luzon, Visayas at Metro Manila habang nasa neutral o +2 lang sa Luzon sa labas ng Metro Manila.

PUBLICUS ASIA: -27 SI MARCOS/GABINETE

Kung ano ang nangyari sa SWS sarbey na tila ispageting pababa nang pababa ang satisfaction ratingh ni PBBM, ganito rin ang lumilitaw sa sarbey ng Publicus Asia.

Sa unang tatlong buwan ng 2026, -25 ang bagsak na grado ni PBBM at nitong Hunyo, lalong bumagsak sa -27.

Minenos mula sa 50 na happy ang mga hindi happy na 25 at 23, ayon sa pagkakasunod.

Buong ehekutibo o mula kay PBBM hanggang sa kanyang mga opisyal sa gabinete ang sinukat dito kaya masaklaw o malawak.

Ngunit sinasalamin ng paniniwala ng taumbayan ang pangit na pamahalaang nasa ilalim mismo ng Pangulo bilang pinuno.

Sa grado sa pagtitiwala, bumagsak ang nagtitiwala kay PBBM mula sa 13 noong Marso 2026 sa 12 nitong Hunyo.

Sa kabilang banda, napanatili ni Vice President Sara ang pagtitiwalang 26 noong Marso hanggang Hunyo.

Si VP Sara ang may pinakamataas na grado sa pagtitiwala ng taumbayan kumpara hindi lang kay Marcos kundi maging kina Senate President Sherwin Gatchalian na may gradong 21, House Speaker Bojie Dy III – 8 at Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo – 10.

SOBRANG PAMUMULITIKA, MATINDING KORAPSYON

Sinabi ng Publicus Asia na kabilang sa mga pangunahing dahilan ng pagbagsak ng grado ni PBBM ang gulo sa pulitika at krisis sa ekonomiya.

Sa pulitika, isinasalang ngayon si VP Sara sa impeachment na may layuning tanggalin siya sa pwesto sa iba’t ibang kadahilanan samantalang lahat ng inaakusahang kumikbak ng male-maletang salapi sa flood control scam ay malayang-malaya at halos kakampi lahat umano ni Pang. Marcos mula sa Kamara hanggang Senado.

Naririyan din na matinding salik sa krisis sa ekonomiya na sobra nang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at pagbaba ng halaga ng piso na nagpahina sa kakayahan ng mga Pinoy na bumili ng kanilang mga pangangailangan.

Nakatatakot din umano ang paglaki ng bilang ng mga walang trabaho na umabot na sa mahigit 2.5 milyong kaya malawakang gutom ang ibig sabihin nito na hindi kayang sagutin kahit ng programang Walang Gutom Program at P20 kada kilong bigas na bibihirang matatagpuan kung saan ibinebenta.

O paano?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here