Home LAGAY NG PANAHON Habagat patuloy na makaaapekto sa Luzon

Habagat patuloy na makaaapekto sa Luzon

MANILA, Philippines – Patuloy na iiral ang southwest monsoon o habagat sa Luzon.

Sa abiso ng PAGASA, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at thunderstorm ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, at Benguet dahil sa habagat.

Samantala, habagat at localized thunderstorm naman ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

Nagbabala ang PAGASA sa posibilidad ng pagbaha at landslide dahil sa malalakas na pag-ulan. RNT/JGC