Home ENTERTAINMENT Lovi, engaged na, inilihim!

Lovi, engaged na, inilihim!

Manila, Philippines- There seems to be a fad these days among celebrity couples.

‘Yun ay ang paglilihim o non-disclosure kung kailan ang kanilang mga kasal.

Siyempre, may personal reasons sila for withholding such important information.

Kamakailan nga’y ganito ang nangyari sa respective wedding dates nina Maine Mendoza to Arjo Atayde at Maja Salvador to Rambo Nuñez.

Buti na lang, marunong makisama at cooperative ang kanilang mga malalapit na kaibigan na anumang pamimilit sa kanila ay tikom ang kanilang mga bibig.

But here’s the catch: not only are wedding dates kept under wraps, pati na rin engagement!

At ito ngayon ang tila pinapauso ni Lovi Poe.

Mula mismo sa bibig ng aktres, she posted on Instagram na engaged na pala siya sa kanyang British beau na si Monty Blencowe.

Post ni Lovi: “A couple of years ago, there were two coffees, a sunrise and a ring.”

Inamin ng Kapamilya aktres na ang tanging nakakaalam lang daw niyon ay ang kanyang pamilya’t mga kaibigan.

Kung sinasabi ni Lovi na engaged na sila ni Monty years ago, the timeline would suggest na baka nasa GMA pa siya noon, or bagong salta pa lang sa nilipatang ABS-CBN.

Matatandaang when Lovi was formally welcomed as Kapamilya kung saan she was wearing a yellow dress, ‘yun ‘yong time she got back from London, UK.

Speaking of which, sa London na rin daw sila ikakasal ni Monty sa isang buwan. Ronnie Carrasco III