Home ENTERTAINMENT Marc, balik Amerika para kay Kris!

Marc, balik Amerika para kay Kris!

256
0

Manila, Philippines- No doubt, Batangas Vice Governor Marc Leviste is good at time management.

Nakukuha pa rin niya kasing isingit ang pagbiyahe sa Los Angeles, USA para makapiling ang nobyang si Kris Aquino despite his official duties as public servant.

Tulad ng paparating na Sunday, Marc is scheduled to visit Kris again, to think na kelan lang din siya umuwi ng bansa from LA.
Pero sabi nga, “Pag gusto, may paraan. Pag ayaw, maraming dahilan.”

Ito ang ibinalita ni Marc sa panayam sa kanya ni Butch Francisco for an online entertainment site.

So, sila na ba officia─║ly uli after what Kris termed as “pause”?

Ani Marc, hindi niya alam dahil it’s up to Kris daw.

Ang mahalaga, Marc is around for Kris. Bahala na raw si Lord.

Sa interbyung ‘yon inamin ni Marc that he and Kris officially became a couple on January 1, 2023.

Doing the math, ikawalong buwan na nila ngayon.

Inamin din ni Marc na long-time crush na niya si Kris, kaya naman daw he seized the opportunity nang ipost ni Kris that she was ready to get into a relationship.

The early stage had Marc stopping by Kris’ residence at the BGC.

He would bring food and flowers.

Nagpatuloy raw ito hanggang makarating ng Los Angeles si Kris para magpagamot.

At bagama’t he has a house in the US, Marc opts to stay with Kris.

Kasa-kasama rin daw kasi ni Kris doon ang 22 anyos niyang anak na si Arielle, the two others being 24-year-old Ronin who’s the incumbent mayor of Lian, Batangas and C2 (for Conrad) na kaedaran ni Bimby.

Pero ang confession of all confessions ni Marc: he’s 100% faithful and loyal to Kris.
After all, this is what the Cartier trinity ring na bigay ni Kris which Marc proudly wears symbolizes. Ronnie Carrasco III

Previous articleLotto Draw Result as of | August 8, 2023
Next articleLovi, engaged na, inilihim!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here