Home NATIONWIDE Indonesia inuga ng M-6.2 na lindol

Indonesia inuga ng M-6.2 na lindol

INDONESIA – Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang Indonesia nitong Linggo, Mayo 5.

Ayon sa US Geological Survey (USGS), ang epicenter ng lindol ay naitala 153 kilometro timog-kanluran ng Fakfak area sa West Papua.

May lalim itong 12.1 kilometro sa ilalim ng lupa.

Wala namang naitalang pinsala o nasawi dahil sa lindol. RNT/JGC