Home NATIONWIDE Hair follicle drug test tinanggihan ni PBBM: Walang konek sa tiwala ng...

Hair follicle drug test tinanggihan ni PBBM: Walang konek sa tiwala ng Pinoy

MANILA, Philippines – DEDMA lang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa panawagan na sumailalim siya sa hair follicle drug test.

Ang katuwiran ng Chief Excecutive, wala naman itong koneksyon sa constitutional principle na “public office is a public trust.”

Tugon ito ng Pangulo sa panawagan ni dating Executive Secretary Vic Rodriguez sa isinagawang GMA Network’s ‘Tanong ng Bayan: The GMA Senatorial Face-Off 2025’ na ie-ere, araw ng Sabado, Pebrero 1.

Hinikayat kasi ni Rodriguez si Pangulong Marcos na sumailalim sa ‘credible hair follicle test’ para ‘once and for all’ ay mabalewala na ang paratang sa kanya (Pangulong Marcos) na gumagamit siya ng ilegal na droga.

“No, no. Why should I do that?… ‘Public office is a public trust’ has nothing to do with the follicle test. Wala namang koneksyon ang sinasabi niya,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang chance interview sa Pasay City, araw ng Biyernes.

“He’s always had that weakness every time he — when he was still working for me. If you believe in what he was saying, why did he work for me?” ang mabilis na sagot ng Pangulo.

Buwan ng Abril ng nakaraang taon ay inihayag ni Atty. Vic Rodriguez na dapat sumailalim sa “credible hair follicle drug test” ang dati niyang “boss” na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Tinanong kasi si Rodriguez sa sinabi ni Marcos noong Enero, na hindi niya bibigyan ng halaga ang alegasyon na gumagamit siya ng ilegal na droga

“That’s not dignifying, it’s heeding the call and the clamor of the Filipino people,” ang sinabi ni Rodriguez, na nagbitiw sa kaniyang puwesto bilang executive secretary ni Marcos noong 2022 para mas makapaglaan umano ng panahon sa pamilya.

“Hindi namin papansinin ang mga tao o grupo na likas ang pagkakaroon ng negatibong pananaw sa buhay. Walang sasapat na paliwanag sa mga ayaw mapaliwanagan at hindi namin kayang ipaunawa sa mga sadyang ayaw umunawa,” Rodriguez said in 2021.

Noong Enero, tinawag ni Duterte na “bangag” si Marcos, pero binawi rin niya ang pahayag noong Pebrero at sinabing hindi niya inakusahang gumagamit ng ilegal na droga ang kasalukuyang presidente.

Kasabay nito, nanindigan si Rodriguez sa resulta ng negative drug test result ni Marcos na siya mismo ang nagpresinta sa media noong 2021, na kandidato pa lang na pangulo si Marcos.

“Ako ay nakakaladkad, [na] ako ay nagpakita ng pekeng resulta noong 2021. Sasabihin ko sa lahat na aking pinanindigan ang resulta na aking pinakita noong 2021 na negatibo si then BBM, ‘yung kandidatong BBM,” paliwanag niya. Kris Jose