MAKIKIPAGTULUNGAN at sanib-puwersa ang Presidential Anti-Organizer Crime Commission (PAOCC) at foreign counterparts nito kasunod ng kamakailan lamang na ulat ng Australian Federal Police hinggil sa bilang ng posibleng Australian victims mula sa sinalakay na scam farm sa Pasay City noong Oktubre 2024.
Sa joint statement ng PAOCC, ang Australian Federal Police National Anti-Scam Centre (NASC) at National Bureau of Investigation (NBI) ng Pilipinas, nagpahayag na inalerto na ng Australian authorities ang mahigit sa 5,000 potential victims sa Australia sa pamamagitan ng text messages kung saan maaari silang target ng romance scammers na naka-base sa Pilipinas.
“The recent report of the Australian Federal Police on the number of possible Australian victims from the raided Kimberhi scam farm underscores the transnational reach of these organized crime groups. Thus, the Presidential Anti-Organizer Crime Commission remains fully committed in collaborating with its foreign counterparts to rid the country of these scam farms,” ang sinabi ni PAOCC Director Winston John Casio sa isang kalatas.
Ang Australian NASC, katuwang ang Armed Forces of the Philippines- pinangunahan ang Joint Policing Cybercrime Collaboration Centre, nagpahayag na ang mga tinukoy na potensyal na bikitma, karamihan ay kalalakihan na may edad na mahigit sa 35 taong gulang.
Ang mga potensiyal na mga biktima ay natukoy kasunod ng imbestigasyon ng Philippine authorities.
Hinikayat ang mga ito na huwag magpadala ng pera sa mga tao na nakilala lamang nila sa online at binigyan ng mga nakabalangkas na mga hakbang na dapat gawin kung nakapagpadala na ng pera sa mga scammers.
Ang mga scammers, nagpapanggap na babaeng pinay na nagtatrabaho sa Australia o local female resident sa Pilipinas, di umano’y gumagamit ng popular online dating apps para linlangin ang kanilang biktima para sa pekeng romantic relationship bago kumbinsihin ang mga ito na bumili ng lehiytimong cryptocurrency.
“They would request a minimum first investment of between AUD300 to AUD800, before encouraging victims to invest more money,” ayon sa PAOCC.
Malilinlang ng scammer ang biktima sa pamamagitan na hikayatin itong ilipat ang pondo mula sa legitimate crypto exchange account sa account ng scammer.
Dahil dito, ang imbestigasyon ay nagresulta ng pag-aresto sa mahigit sa 250 suspect ng Philippine law enforcement authorities sa Pasay City noong nakaraang taon.
Mahigit naman sa 300 computer towers, 1,000 mobile phones, at libo-libong subscriber identity module cards ang natunton ng Philippines authorities.
Ang mga ebidensiyang nakalap sa panahon ng imbestigasyon ay ibinahagi naman sa international law enforcement partners para kilalanin ang mga potensisyal na biktima, kabilang na iyong mga walang alam na sila ang target.
Samantala, sinabi naman ni Australian Competition and Consumer Commission deputy chair Catriona Lowe na naiulat na may mga Australians ang nag-report na nawalan sila ng AUD23.6 million sa dating at romance scams noong 2024. Kris Jose