Home HOME BANNER STORY Hakbang kung ‘di umuwi si Zaldy Co ‘gang Sept. 28 tatalakayin –...

Hakbang kung ‘di umuwi si Zaldy Co ‘gang Sept. 28 tatalakayin – Dy

286
0

MANILA, Philippines – Pag-uusapan ng mga lider ng Kamara at ng Committee on Ethics and Privileges ang mga susunod na hakbang kung sakaling bigong makauwi sa bansa si Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co sa loob ng 10 araw, ayon kay Speaker Faustino “Bojie” Dy III nitong Lunes, Setyembre 22.

Sa ambush interview, sinabi ni Dy na si Co ay nananatiling nasa ibang bansa sa kasalukuyan.

Matatandaan na opisyal nang binawi ni Dy ang travel clearance ni Co at hiniling dito na umuwi na sa loob ng 10 araw para sagutin ang mga alegasyon na nag-uugnay sa kanya sa kwestyonableng budget insertions at mga contractor sa iba’t ibang proyekto ng pamahalaan.

“Maybe we’ll talk about that, the leadership will discuss that, especially with the chairperson of the ethics committee, as to what we can do to ensure that Congressman Zaldy Co will come home.,” sinabi pa ni Dy.

Si 4Ps party-list Rep. JC Abalos ang chairperson ng House Committee on Ethics and Privileges.

Nang tanungin kung mayroon nang tugon galing kay Co, sinabi ni Dy na makikibalita sila sa loob ng 10 araw.

“No feedback as of now, maybe we will wait especially since we have given him 10 days to see what will be the response of Congressman Zaldy Co,” anang bagong Speaker.

“There’s no feedback yet, we just saw that there are rumors,” dagdag pa niya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here