MANILA, Philippines – Nasa halos 2,000 biktima ng baha ang nag-martsa sa bahang kalsada sa Macabebe at Masantol, Pampanga.
Dala ng mga ito ang pekeng kabaong, placards, at streamers na nananawagan na tapusin na ang korapsyon sa flood control projects.
Nagkita-kita ang mga nagprotesta mula sa boundary arch ng Masantol at ang mga nagmula sa San Gabriel Chapel sa Macabebe ay nagtungo naman sa San Nicolas de Tolentino Parish, para sa misa na nilahukan ng 11 pari mula sa Vicariate of the Blessed Trinity.
Bilang pakikiisa, lumahok din sa sakramento ang ilang pari na ipinanganak o lumaki sa Macabebe.
Samantala, sa kaparehong programa ay kinondena ng Archdiocesan Council of the Laity (ACL) ng Archdiocese of San Fernando ang “greed, selfishness, and corruption of our key leaders and their cohorts,” sinabi ni Renato Galang, ACP president, na nagbasa ng kanilang pahayag.
Pirmado ng mga lider mula sa 24 lay organizations, hinimok ng konseho ang “every Kapampangan to be courageous: to stand for the Truth, to live our faoith in action, and to demand integrity and accountability in governance.” RNT/JGC