Home NATIONWIDE Halos 2M Pinoy na nasa Middle East, 188 napauwi sa gitna ng...

Halos 2M Pinoy na nasa Middle East, 188 napauwi sa gitna ng tensyon

149
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa 188 Pilipinong turista, pilgrim at non-OFWs ang natulungang mapauwi sa bansa ng Department of Foreign Affairs (DFA) mula sa Middle East habang patuloy na tumitindi ang tensyon sa rehiyon.

Ayon kay Ezzedin Tago, sa 327 kahilingan para sa repatriation o tulong, kabuuang 188 na ang naasistehan ng pamahalaan hanggang Marso 10.

Pinakamarami ang humingi ng tulong mula sa Dubai na may 199 kaso, sinundan ng Abu Dhabi na may 68, habang may mga kahilingan din mula sa Lebanon at Doha.
May ilan ding kaso mula sa Iran, Manama, Israel, Jordan at Baghdad.

Sa gitna ng krisis, kinumpirma ni Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagkamatay ng Filipina caregiver na si Mary Ann Velazquez de Vera matapos tamaan ng shrapnel habang tinutulungan ang kanyang alaga na makapasok sa bomb shelter sa Israel.

Si De Vera ang unang Pilipinong nasawi sa kasalukuyang tensyon sa Middle East na dulot ng palitan ng pag-atake sa rehiyon.

Batay sa datos ng DFA, may humigit-kumulang 975,000 Pilipino sa United Arab Emirates, 813,000 sa Saudi Arabia, at 250,000 sa Qatar, bukod pa sa libo-libong OFW sa iba pang bansa sa rehiyon.

Dahil dito, patuloy ang mahigpit na monitoring ng DFA upang matiyak ang kaligtasan ng milyun-milyong Pilipino sa Middle East sakaling lumala pa ang sitwasyon. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here