Home NATIONWIDE Halos 300 klasrum, nasira sa Cebu quake – DepEd

Halos 300 klasrum, nasira sa Cebu quake – DepEd

264
0

MANILA, Philippines – Halos 300 silid-aralan ang nasira matapos ang magnitude 6.9 na lindol na tumama malapit sa Bogo City, Cebu nitong Martes ng gabi, iniulat ng Department of Education (DepEd).

Batay sa paunang datos mula sa Regions 6, 7, 8, at Negros Island Region, 34 na silid-aralan ang tuluyang nawasak, 26 ang may malaking pinsala, at 197 ang bahagyang nasira.

Apektado rin ang mahigit 16,800 paaralan sa 73 dibisyon, kabilang ang 2,220 mag-aaral at 97 guro at kawani.

Ayon sa DepEd, patuloy nilang binabantayan ang sitwasyon at nakikipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal. Nanawagan din sila ng pag-iingat sa gitna ng sunod-sunod na aftershocks.

Naitala ng PHIVOLCS ang lindol bandang alas-9:59 ng gabi noong Setyembre 30, may sentrong 21 kilometro hilaga ng Bogo sa lalim na 5 km. Higit 300 aftershocks na ang naramdaman.

Samantala, umakyat na sa 60 ang nasawi sa Cebu noong Miyerkules ng umaga. Nagdeklara rin ang National Grid Corp. ng yellow alert sa Visayas grid matapos mag-shutdown ang ilang planta ng kuryente. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here