Home HOME BANNER STORY Villars tatalupan sa koneksyon sa kontraktor na may P18.5-B deal – DOJ

Villars tatalupan sa koneksyon sa kontraktor na may P18.5-B deal – DOJ

357
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na iniimbestigahan sina Senators Mark at Camille Villar at ang kanilang ina na si dating Senador Cynthia Villar kaugnay ng umano’y koneksyon nila sa isang Las Piñas-based contractor na nakakuha ng ₱18.5 bilyong halaga ng kontrata mula sa pamahalaan.

Ayon kay Remulla, lumabas sa impormasyon na ang pinsan ni Mark Villar ang kontraktor, na aniya ay isang “prohibited interest.” Kasama rin sa imbestigasyon sina Camille at Cynthia Villar dahil sa kanilang kaugnayan sa negosyo.

“Isang relationship lang ‘yan. Isang family lang yan. First degree of consanguinity up to the fourth degree of consanguinity,” ani Remulla sa isang media briefing. “Or third degree pa. From Cynthia to the contractors,” dagdag pa ng kalihim.

Naging kalihim ng DPWH si Mark Villar mula 2016 hanggang 2021, habang senador noon si Cynthia at kinatawan naman ng Las Piñas si Camille simula 2019.

Saklaw ng DOJ probe ang lahat ng uri ng proyekto, mula sa mga gusali hanggang kalsada at flood control. Sinabi rin ni Remulla na nasa 100 hanggang 200 indibidwal—kabilang ang mga district engineer, kontraktor, at kongresista—ang posibleng sangkot sa mga iregularidad sa flood control projects sa buong bansa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here