Home HOME BANNER STORY Senate reso na humihiling sa ICC sa house arrest ni Digong, inaprubahan

Senate reso na humihiling sa ICC sa house arrest ni Digong, inaprubahan

302
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Senado nitong Miyerkules ang isang resolusyon na nananawagan sa International Criminal Court (ICC) na payagan si dating Pangulong Rodrigo Duterte na manatili sa house arrest bilang “makataong konsiderasyon.”

Sa 20 senador na dumalo, 15 ang bumoto pabor, tatlo ang tumutol, at dalawa ang nag-abstain. Inihain nina Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano at Majority Leader Migz Zubiri, binanggit sa resolusyon ang edad at kalusugan ni Duterte, at inirekomenda ang pagsusuri ng doktor upang makita kung mas lalala ang kanyang kondisyon sa regular na kulungan.

Kabilang sa mga tumutol sina Senators Risa Hontiveros, Bam Aquino, at Kiko Pangilinan. Iginiit ni Hontiveros na libo-libong buhay ang nawala sa war on drugs at nananatiling humihingi ng hustisya ang mga pamilya ng biktima. Dagdag ni Pangilinan, hindi dapat manaig ang humanitarian consideration kaysa sa sigaw ng mga naulilang pamilya. Nag-abstain si Senate President Tito Sotto upang maiwasan umano ang dagdag na pagkakahati ng bansa.

Giit naman ni Rep. Rodante Marcoleta at iba pang sumuporta, hindi kalayaan ang hinihiling kundi mas makataong paraan ng pagkakakulong.

Samantala, binatikos ni ICC assistant to counsel Kristina Conti ang resolusyon bilang “counterproductive,” aniya walang papel ang Senado sa ICC proceedings at maaari pa itong ituring na panghihimasok sa proseso o patunay ng patuloy na impluwensya ng pamilya Duterte. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here