Home NATIONWIDE Halos 60,000 parak ipakakalat sa Holy Week break

Halos 60,000 parak ipakakalat sa Holy Week break

144
0

MANILA, Philippines – Magpapakalat ang PNP ng halos 60,000 tauhan upang tiyakin ang seguridad ngayong Holy Week at summer vacation sa ilalim ng “Ligtas Semana Santa 2026.”

Ayon kay Police Captain Amie Centro-Tiu, kabuuang 59,416 personnel ang ilalagay sa iba’t ibang lugar, kabilang ang mga pulis, augmentation forces, at advocacy groups.

“As we approach the observance of the Holy Week, the Philippine National Police is fully prepared to ensure the safety, security and orderliness of the public,” aniya.

Tututok ang mga tauhan sa 3,277 tourist destinations, habang paiigtingin ang presensya ng pulis sa mga lugar na dinadagsa ng tao. Wala pang namomonitor na banta, ayon sa PNP.

Sa Metro Manila, 12,370 tauhan ang magbabantay sa mga terminal, kalsada, at simbahan.

Gayunman, inaasahang maaaring mabawasan ang mga biyahero dahil sa pagtaas ng presyo ng langis.

Paiigtingin din ang traffic enforcement upang maiwasan ang aksidente, matapos maitala ang libu-libong road crashes noong nakaraang taon.

“Reminder sa ating mga (to our) motorists. Plan in advance… BLOWBAGETS…,” ani Marzal.

“Usually… avoid traveling na fatigued, nakainom… practice fuel efficient driving,” dagdag niya. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here