Home NATIONWIDE Halos kalahati ng mga nanay sa Cordillera ayaw nang mag-anak – PSA

Halos kalahati ng mga nanay sa Cordillera ayaw nang mag-anak – PSA

56
0

MANILA, Philippines – Halos kalahati ng mga ina sa Cordillera Administrative Region (CAR) ang ayaw nang magdagdag pa ng anak, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Batay sa 2025 Regional Demographic and Health Survey, nasa 46.1% ng mga babaeng may asawa edad 15 hanggang 49 sa rehiyon ang nagsabing ayaw na nilang magkaanak pa, mas mataas kumpara sa 40.5% noong 2022.

Ayon kay Benguet statistician Imelda Buyyucan, bumaba na rin sa 1.7 anak kada babae ang fertility rate sa Cordillera mula sa 4.1 noong 1993.

Mas marami rin umano ngayon ang mga kababaihang may isa o wala pang anak na pinipiling hindi na magdagdag.

Babala naman ni Commission on Population and Development-CAR director Reynaldo Wong, posibleng maging pinakamaliit na rehiyon sa bansa pagdating ng 2035 kung magpapatuloy ang pagbaba ng populasyon.

Bumaba rin ang teenage pregnancy sa rehiyon sa 2.7% noong 2025 mula 6.1% noong 2022.

Ayon sa survey, nabawasan din ang kaso ng karahasan laban sa kababaihan sa CAR, kabilang ang pisikal at sikolohikal na pang-aabuso.

Gayunman, ikinabahala ng PSA ang pagbaba ng bilang ng mga batang nababakunahan, kung saan 54.4% lamang ng mga sanggol edad 12 hanggang 23 buwan ang kumpleto sa bakuna noong 2025 mula 65.7% noong 2022. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here