Home METRO Halos P.2M shabu nasamsam sa Malabon, Navotas buy bust

Halos P.2M shabu nasamsam sa Malabon, Navotas buy bust

MANILA, Philippines – TINATAYANG halos P.2 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na hinihinalang drug personalities matapos maaresto sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon at Navotas.

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan na alas-9:00 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy bust operation kontra kay alyas “Gary”, 32 ng Brgy., 19, Caloocan City sa Duhat Road, Brgy. Potrero.

Nang tanggapin ni Gary ang P1,500 marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba, kasama ang kanya umanong parokyano na si alyas “Tune”, 39.

Ayon kay PSSg Jerry Basungit, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 23 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P156,400 at buy bust money na isang tunay na P500 bill, kasama ang isang P1,000 boodle money.

Sa Navotas, nalambat naman ng mga operatiba ng SDEU ng Navotas policer sina alyas “Eric”, 50 ng Brgy. San Jose at alyas “Pudong”, 37 ng Brgy. Navotas West sa buy bust operation sa Los Matires, Brgy. San Jose, dakong alas-2:24 ng madaling araw.

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nakuha sa mga suspek ang nasa 5.56 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P37,808.00 at isang P500 bill na ginamit bilang buy bust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura

Ito ang huling akda ni Boysan Buenaventura.

Ang kanyang mga kasamahan sa Remate News Central ay lubos na nakikiramay sa kanyang pagkawala.

Previous articleSoKor firm lone bidder sa 2nd Comelec bidding sa 2025 poll
Next articleNavotas handa na sa 118th Founding Anniversary Celebration