Home METRO Navotas handa na sa 118th Founding Anniversary Celebration

Navotas handa na sa 118th Founding Anniversary Celebration

MANILA, Philippines – HANDA na ang lokal na pamahalaan ng Navotas sa serye ng mga kaganapan sa pagdiriwang ng ika- 118th founding anniversary sa January 16 na may temang “Kapag Tulong-Tulong, Angat ALL, Saya ALL,” ay magsisimula ng kick off festivities sa pamamagitan ng isang Misa ng Pasasalamat at Pistang Kristyano.

Ang Kalye Fiesta, isang banchetto-style night market, ay bubuksan sa Navotas Citywalk and Amphitheater.

Sa January 10, gaganapin ang Araw ng Mangingisda para sa mga fisherfolk ng lungsod at Itatampok ang mga magtutunggali sa karera ng bangka at net mending, kabilang ang paggawad sa Top 10 Most Outstanding Fisherfolk.

Masasaksihan din ngayong taon ang pagbabalik ng street dancing competition, bilang Pangisdaan Festival.

Junior at senior students ng anim na public high schools sa Navotas ang magpapakitang gilas sa pagsasayaw hango ang mayamang kultura ng lungsod.

Magbibigay din ang Navotas ng pagkilala sa Top 20 Taxpayers sa Business and Realty sa January 14.

“Another fruitful year of overcoming challenges has come and gone. Through this celebration, we express our gratefulness for the guidance and blessings that we received from the Almighty for the past years,” ani Navotas City Mayor John Rey Tiangco.

“The milestones we have achieved in our city are also made possible with the support and cooperation of Navoteños,” dagdag ng alkalde.

Kasama sa magaganap ang Zumba and Health Caravan para sa mga Lolo at Lola, Navotas Funbikers Get-Together Ride, Invitational Judo Tournament, Pakita Mo Pet Mo! (Dog Edition), at groundbreaking ng nalalapit na konstruksyon ng Kaunlaran Super Health Center.

Idagdag pa ang financial literacy seminar, clean-up activity at mega job fair.

Ang Grand Parade ay gaganapin sa January 16,tampok ang mga sikat na artista.

Mamamahagi naman ng bigas sa mga residente sa January 17-22. R.A Marquez

Previous articleHalos P.2M shabu nasamsam sa Malabon, Navotas buy bust
Next article73% ng mga Pinoy ‘di aprub sa hakbang ng pamahalaan sa pagkontrol ng inflation