Home NATIONWIDE 73% ng mga Pinoy ‘di aprub sa hakbang ng pamahalaan sa pagkontrol...

73% ng mga Pinoy ‘di aprub sa hakbang ng pamahalaan sa pagkontrol ng inflation

MANILA, Philippines – TINATAYANG 73% ng mga Filipino ang hindi sang-ayon sa ginagawang pagsisikap o mga hakbang at pagtugon ng administrasyong Marcos para kontrolin ang inflation o ang rate na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Makikita sa resulta ng pinakabagong survey ng Pulse Asia, ginawa mula Disyembre 3 hanggang 7, 2023, na ang pag-ayaw o hindi pagsang-ayon ng mga Filipino sa pagsisikap ng pamahalaan na kontrolin ang inflation ay nakapagrehistro ng double-digit increase na 73% mula 56% noong Setyembre 23.

Tanging 9% lamang ang nagpahayag ng kanilang pagsang-ayon sa pagtugon ng administrasyon sa inflation habang 28% naman ang undecided.

“Inflation eased for the third straight month in December to 3.9%. However, for the entire 2023, inflation averaged 6%, exceeding the 5.8% logged in 2022,” ayon sa ulat.

“The only national urgent concern cited across all geographic areas and socio-economic groupings is controlling inflation,” ayon naman sa Pulse Asia.

Natuklasan din sa kaparehong Pulse Asia poll ang hindi pagsang-ayon ng mga Filipino sa hakbang ng gobyerno sa pagtataas sa bayad o sweldo ng mga manggagawa, nakakuha ito ng 12% na puntos para maging 36% mula sa 24% noong Setyembre 2023.

Naitala rin ang pagtaas ng disapproval rating sa pagsisikap ng gobyerno sa paglaban sa graft and corruption, kung saan ang disapproval score ay tumaas sa 33% mula sa 23% noong Setyembre 2023.

Naitala naman ang mas mataas na disapproval rating sa pagsisikap ng pamahalaan na bawasan ang kahirapan, (39% mula 31% noong Setyembre 2023) at tugunan ang problema ng involuntary hunger (24% mula 16% noong Setyembre 2023).

Ang pagkontrol sa inflation ay nananatiling “most urgent national concern” dahil nakakuha ito ng 72%, habang second most urgent national concern naman ang bayad sa mga manggagawa na may 40%.

Pumangatlo naman sa ranking sa most urgent national concerns ay ang bawasan ang kahirapan ng maraming Filipino na may 25%, sinundan ng paglaban sa graft and corruption na may 19%.

Sa kabilang dako, ang top 10 national concerns naman ay ang pagtulong sa mga magsasaka kabilang na ang pagbebenta ng kanilang produkto (18%), pagtugon sa problema sa involuntary hunger (18%), paglaban sa kriminalidad, pagbibigay suporta sa small entrepreneurs para mapanatili ang kanilang negosyo (11%), pagpapatupad ng batas sa lahat, maging ito man ay influential o ordinaryong mamamayan (10%), pagbabawas sa halaga ng binabayarang buwis at iba pa.

Ang kapansin-pansin na events na nangyari bago at habang isinasagawa ang survey ay ang payagan na magpiyansa si dating Senador Leila de Lima matapos na makulong ng anim na taon dahil sa drug-related charges, ang House of Representatives Committees on Justice at ang Human Rights na in-adopt ang House Resolution 477, ang panawagan ng gobyerno ng Pilipinas na makipagtulungan sa International Criminal Court’s Office of the Prosecutor sa imbestigasyon nito sa mga krimen laban sa humanity charges laban kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte mula sa drug war ng kanyang administrasyon, pagbomba habang nagsasagawa ng Catholic Mass sa Mindanao State University sa Marawi City, at resulta ng magkasunod na magnitude 7.4 at 6.8 na lindol, na nag-iwan ng tatlong nasawi at 88 sugatan.

Samantala, ang non-commissioned December 2023 survey ng Pulse Asia ay ginawa sa 1,200 adults na may edad na 18-years-old at pataas.

Mayroon itong ± 2.8% error margin sa 95% confidence level.

Ang subnational na tinatantiya para sa geographic areas na sakop ng survey ay mayroong sumusunod na error margins na may 95% confidence level: ± 5.7% para sa Kalakhang Maynila, natitirang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao. Kris Jose

Previous articleNavotas handa na sa 118th Founding Anniversary Celebration
Next articleTraslacion 2024 all systems go na!