Home NATIONWIDE Handwritten evidence sa P500M allocables sa flood control, sinadyang iwasan ni Marcoleta...

Handwritten evidence sa P500M allocables sa flood control, sinadyang iwasan ni Marcoleta – Lacson

67
0

MANILA, Philippines – Nag-ingay siya tungkol sa umano’y pagdidiin sa kanya sa isyu, pero hindi naman niya tahasang itinanggi na humingi siya ng P500 milyong “allocables” mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ito ang pagkwestyon ni Senate President Pro Tempore at Blue Ribbon Committee chairman Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Biyernes kay Sen. Rodante Marcoleta kaugnay ng privilege speech nito na tumutuligsa sa pagkakasama ng kanyang pangalan sa presentasyong nag-uugnay sa ilang mambabatas sa “allocables,” na ayon kay Lacson ay bagong anyo ng pork barrel.

“He ‘deliberately’ missed the most important reaction: deny or refute the handwritten note (c/o Cong Marcoleta) on the document as presented,” ayon kay Lacson sa isang post sa X.

Nitong Martes, nagbigay si Lacson ng privilege speech kung saan inilahad niya ang mga ebidensiya at paunang rekomendasyon na lumitaw sa mga pagdinig ng Blue Ribbon panel hinggil sa umano’y flood control scam.

Kabilang sa presentasyon ang isang slide na nagpapakitang umano’y humiling si Marcoleta ng P500 milyong “allocables” para sa mga proyektong pang-imprastruktura, batay sa isang sulat-kamay na note ng yumaong DPWH Undersecretary Catalina Cabral.

Ang naturang dokumento, na ibinigay ng kampo ni Cabral, ay kabilang sa mga ebidensiyang planong isumite ng Blue Ribbon panel sa Office of the Ombudsman bilang bahagi ng fact-finding at posibleng case buildup nito.

Gayunman, nilinaw din ni Lacson na hindi pa irerekomenda sa ngayon si Marcoleta para imbestigahan — bagama’t maaari itong mangyari kung may mga ghost o substandard projects na maiuugnay sa kanya.

Isang araw matapos ng privilege speech ni Lacson, nagbigay naman si Marcoleta ng sarili niyang talumpati kung saan ipinahayag nito ang galit sa pagkakasama ng kanyang pangalan sa presentasyon ni Lacson — ngunit hindi naman pinabulaanan ang umano’y kahilingan na P500 milyon. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here