Home METRO ‘Hapon’ niratrat, todas!

‘Hapon’ niratrat, todas!

ILOCOS SUR-Patay ang isang lalaking may bansag na ‘hapon’ matapos pagbabarilin sa Brgy. Ricudo, Sinait ng lalawigang ito, Miyerkoles, Enero 17.

Kinilala ng Sinait Municipal Police Station ang biktima na si Ritchie Agdeppa Ilustrisimo aka ‘Hapon’, residente ng naturang lugar.

Nasa bahay umano ang biktima nang pasukin ng limang kalalakihan at pagbabarilin.

Matapos ang pamamaril, agad na tumakas ang mga suspek.

Ang biktima ay isinugod sa Corpuz Clinic and Hospital.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Sinait MPS para alamin kung ano ang motibo sa krimen at tukuyin ang mga salarin. Rolando S. Gamoso

Previous articleP2.5M bloke ng marijuana, droga nasabat sa Tabuk
Next articleApo dinonselya ng 72 anyos na lolo, himas-rehas