MANILA, Philippines – Idudulog ni dating Negros Oriental congressman Arnolfo “Arnie” Teves ang harassment at political persecution claims nito sa United Nations (UN) Commission on Human Rights, ayon kay Atty. Ferdinand Topacio.
Sa forum nitong Lunes, Agosto 26, sinabi ni Topacio na si Teves “has retained counsel in the Netherlands” at sila naghain sa UN.
Ipinaliwanag ni Topacio na ang isang reklamo ay nag-aalis ng karapatang pantao ni Teves at paglabag sa human rights, habang ang isa pa ay isang aplikasyon na nagpapasuri sa UN special rapporteurs upang malaman kung nagkaroon ba ng paglabag ng kanyang Karapatan sa ilalim ng international law.
Iginiit ng legal counsel na ang Pilipinas ay signatory sa UN Universal Declaration of Human Rights at International Treaty on Civil and Political Rights.
“Under the doctrine of incorporation, they become also part of the law [at] the same level as acts of Congress. Therefore, dapat sundin ng ating gobyerno,” ani Topacio.
Para naman sa apela ni Teves sa rekonsiderasyon sa kanyang extradition, kinumpirma ni Topacio na wala pang update para rito.
Noong Hunyo 27, inanunsyo ng Department of Justice na pinagbigyan ng Timor Leste Court ang hiling ng Pilipinas na i-extradite si Teves at mapabalik sa bansa.
Sa kabila nito ay hindi pa rin nakakabalik ang dating mambabatas.
Si Teves ay sinampahan ng kasong 10 counts of murder, 12 counts of frustrated murder, at four counts of attempted murder na may kaugnayan sa pag-atake noong Marso 4, 2023 na nagresulta sa pagkasawi ni Governor Roel Degamo at siyam iba pa. RNT/JGC