Home NATIONWIDE 2 timbog sa P34M shabu, baril at granada

2 timbog sa P34M shabu, baril at granada

MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang lalaki na may P34 milyong halaga ng illegal na droga, baril at granada sa Sta. Ana, Maynila.

Kinilala ang mga suspek na sina Ardie Severa, 39 anyos at John John Damil, 30 anyos.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD), nagsagawa ng buy-bust operation ang MPD – Sta. Ana Police Station-6 Station Drug Enforcement Unit (SDEU) nang masakote ang mga suspek sa Del Pilar at M. Roxas Sts., Brgy. 881, Zone 97, Sta. Ana, Maynila.

Nakumpiska sa kanila ang 5 kilo ng shabu na tinatayang aabot sa nasabing halaga.

Bukod dito, nasabat rin sa mga suspek ang isang kalibre .45 baril, dalawang magazine na may 14 na bala, 38 revolver na may limang bala, isang granada at isang itim na Mio MXI motorcycle.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) ng RA 9165, Violation of RA 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunition at RA 9516 (Illegal Possession of Explosive). Jocelyn Tabangcura-Domenden