SIMULA nang magdeklara si dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na tatakbo bilang alkalde sa darating na May mid-term elections 2025, nahati na raw ang Maynila.
Dating magkakampi sina Yorme Kois at Mayora Dra. Honey Lacuna-Pangan noong bago pa man maupo sa pwesto ang kasalukuyang alkalde. Magkasama sa partido ng Asenso Manileño dati sina Moreno at Pangan bago pa tumakbo sa mas pampanguluhan si Moreno.
Kumalas na sa partido si Moreno nang magdeklara itong tatakbo at ang mga nakatanim niyang mga tauhan sa Manila City Hall ay pawang pinangtatanggal na Lacuna-Pangan.
Noon kasi, dahil magkasama sa partido at ang pagtitinginan ay parang magkapatid, dahil si Yorme Isko ay alaga ng namayapang Danny Lacuna, ama ng kasalukuyang alkalde, ay ipinagkatiwala ng huli ang pangangasiwa ng ilang “kumikitang kabuhayan” sa mga tauhan ni Kois.
Ang Manila Traffic and Parking Bureau at Department of Public Safety ay pawang hawak ng mga bata ni Yorme. Maging ang mga sidewalk vendors, illegal gambling at traffic ay hawak rin ni Isko. Ang ibig sabihin, ang koleksyon sa mga ito ay hawak ng mga bata ng dating alkalde.
Pero dahil nga sa tingin ni Lacuna-Pangan ay walang respeto sa kanya ang dating alkalde na itinuring niyang kakampi, kaya handa rin itong ipakita na may pangil din siya.
Sa ngayon, hati ang mga nasa konseho ng Maynila. Nasa 21 ang mga konsehal na nasa panig ni Lacuna habang 17 ang nasa panig naman ni Isko Moreno.
Anim ang distrito ng Maynila at tanging ang District 1 ang nakuha ni Moreno ang representative nito dahil mula District 2 hanggang District 6 ay pawang nasa likod ni Mayora.
Pero hanggang kailan? Hindi kaya kapag naghain na ng kandidatura at nagsimula na ang eleksyon ay bigla na lang magkagulatan na hindi na pala kakampi ang mga inaasahang nasa likod nila.
Ang mga residente ng Maynila ay hati rin nga ba? Parang lamang naman ang maingay. Sabagay maging ang mga mamamahayag na nagko-cover sa Maynila ay hati rin. May nasa panig ni Lacuna at may nasa panig rin naman ni Moreno.
Kamakalawa nga pala, dumalaw si Yorme Kois sa Manila Police District Press Corps.