Home ENTERTAINMENT Heart, nagpakape sa Paris fashion week!

Heart, nagpakape sa Paris fashion week!

Paris, France – Bumaha ng sandamakmak na appreciation messages online sa latest gesture ni Heart Evangelista.

Ito ang ipinamalas ng tinaguriang Queen of Creative Collaborations sa pinakahuling araw ng Paris Fashion Week sa France.

Namahagi kasi ang country’s local fashion icon ng libreng kape at doughnut sa lahat ng mga French photographer na nag-cover ng event.

Ilan lang sa mga appreciation posts ay isa posted on the IG story ng isang litratista na ishinare sa social media account ni Heart: “Thank you @IAmHeartE! (with white heart emoji) YOU’RE THE SWEETEST!”

Ayon pa sa isang fashion fotog: “Heart got coffee and doughnuts for all the photographers outside the show!”

Namumutiktik ng: “Merci!” ang mga posts na ito, which means “thank you” in French.

Ayon naman kay Heart, hindi raw magiging matagumpay ang Paris Fashion Week kung hindi dahil sa mga photographers.

“You’re the real rockstars!” balik-pasasalamat naman ni Heart.

Bago ito’y pinarangalan si Heart sa Milan Fashion Week sa Italy bilang nangungunang influencer sa laki ng naiambag nito sa nasabing event.

Posibleng ang susunod namang aatenan ni Heart ay ang Los Angeles Fashion Week which is slated this October. Ronnie Carrasco III