Home ENTERTAINMENT Heart, nagpaliwanag sa ‘di pagsipot sa kasal ni Lovi!

Heart, nagpaliwanag sa ‘di pagsipot sa kasal ni Lovi!

Manila, Philippines – Ang pagiging conspicuously absent ni Heart Evangelista sa kasal ni Lovi Poe nitong August 26 sa England ay nabahiran ng intriga.

Lovi tied the knot with Monty Blencowe at Cliveden House in Berkshire.

Isa kasing netizen ang nag-usisa kung hindi na raw ba mag-BFF sina Heart at Lovi.

Dahil if they still are, Heart wouln’t miss Lovi’s wedding for the world nga naman.

Matatandaang their closeness began nang magsama sila sa remake ng pelikulang Temptation Island noong 2011.

Their working relationship was followed in 2012 via GMA’s Legacy.

Nang ikasal naman si Heart kay Senator Chiz Escudero noong February 15, 2015 ay isa si Lovi sa mga bridesmaids.

Nasundan pa ang kanilang pagtatrabaho sa teleseryeng Beautiful Strangers ng GMA noong 2015.

Heart’s no-show at Lovi’s wedding fanned speculations na baka nagkaroon sila ng falling out.

Exactly two days pagkatapos ng kasal ay tumambad sa social media ang pang-intriga kung mag-BFF pa ba sila o hindi na.

Heart took the opportunity to answer the netizen.

Post ni Heart: “My dad is in the hospital.”

May mga netizens namang nakakaunawa sa dahilan ni Heart.

Family first nga naman.

Kilalang mas malapit si Heart sa kanyang ama than she is to her mother.

For sure, nauunawaan ni Lovi why Heart wasn’t able to make it to her wedding, ergo, huwag nang intrigahin. Ronnie Carrasco III