Home ENTERTAINMENT Ryan Bang may jowa na!

Ryan Bang may jowa na!

Manila, Philippines – The long wait is over: may nobya na si Ryan Bang!

Ito ang kanyang naging rebelasyon sa recent episode ng It’s Showtime.

Gathered around him were his fellow hosts.

Ang kanyang “mommy” na si Vice Ganda ang una niyang sinabihan.

Kuwento ng Unkaboggable Star: “Kahapon, ang sama-sama ng pakiramdam ko. Nag-text sa akin si Ryan. Sabi niya, may girlfriend na raw siya! Ang saya-saya niya! Ako raw ang una niyang sinabihan, kaya tinawagan ko siya!”

Nagpasalamat naman ang South Korean TV host sa suporta ng kanyang buong Showtime family.

Matatandaang sa guesting ni Ryan weeks ago sa Fast Talk with Boy Abunda, sinabi niya na he’d like to spend the rest of his life in the Philippines kasama ang kanyang hopefully Filipino wife.

Aniya: “Dito na ako lumaki, dito na rin ako habambuhay!”

It will also be recalled na for a time ay na-link si Ryan kay Yeng Constantino.

Natigil lang ito nang hindi na pinursue ni Ryan ang kanyang interes kay Yeng sa pag-aakalang hindi siya type nito.

Wala namang binanggit si Ryan tungkol sa pagkakakilanlan ng kanyang girlfriend.

Samantala, nagbigay ng payo ang mga Showtime guests na sina Gina Alajar at Ricky Davao kung paanong dapat pahalagahan ni Ryan ang kanyang nobya.

“Treat her like a princess!” ayon kay Gina.

“Para sa akin, truth is the foundation. Dapat araw-araw ring may love sa isa’t isa,” payo naman ni Ricky. Ronnie Carrasco III

Previous articleHeart, nagpaliwanag sa ‘di pagsipot sa kasal ni Lovi!
Next articlePia tutol sa pagtanggal ng swimsuit competition sa MP!