Home ENTERTAINMENT Heart, taong-bahay muna, hinarap ang pagpipinta!

Heart, taong-bahay muna, hinarap ang pagpipinta!

Manila, Philippines – When not facing the grinding of the cameras, dalawa lang ang pinagkakaabalahan ni Heart Evangelista.

Ito’y ang pagdalo sa fashion week o pagpipinta.

Imaginably energy-drained sa kararampa sa mga fashion events sa Milan at sa Paris, sa ngayon Heart has opted to go back to her passion.

‘Yun ay ang harapin ang kanyang pagpipinta which the fashion icon does at home.

Mga commissioned works kadalasan ang pinipinta ni Heart para sa kanyang mga kliyente, most of whom are close friends of her husband Sen. Chiz Escudero.

Huwag isnabin, a single painting by Heart can fetch as high as P2 million!

She now channels her creative energies to painting, pero “break” lang daw ‘yon.

By May, Heart is scheduled to fly to Singapore for a commercial endorsement shoot.

A month thereafter, which is June ay balik-fashion week na naman siya.

Bagama’t she has her hands full, siyempre’y nami-miss din ng mga netizens ang muling mapanood si Heart on TV.

Hindi tuloy malaman ng mga supporters niya kung aktres pa ba siyang matatawag, what with her non-showbiz preoccupations.

As she is now, parang safe sabihing “multiple’ ang identity ni Heart. Ronnie Carrasco III