Home METRO Kelot utas sa suntok ng lalaking hinamon ng away!

Kelot utas sa suntok ng lalaking hinamon ng away!

PANGASINAN -Tigok ang isang lalaki matapos buntalin ng lalaking hinamon nito ng suntukan sa Brgy. Poblacion Oeste, Dagupan City ng lalawigang ito kahapon, Abril 24.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay isang fish vendor, nasa legal na edad, walang asawa, tubong-Tacloban City ngunit nakatira ngayon sa Dagupan City.

Arestado naman ang suspek na si alyas “Ewok”, 24, fish vendor, residente rin ng naturang lungsod.

Base sa ulat, ang biktima na nakainom na ay nakitang naglalakad ng suspek na noo’y nakikipag-inuman kaya inaya niya itong mag-shot.

Matapos umanong mag-shot ang biktima ay hinamon nito ng suntukan ang suspek.

Dahil dito, bigla na lang din umanong sinuntok ng suspek ang biktima na ikinatumba nito.

Ang biktima ay dinala sa Cuison Gen. Hospital sa naturang lungsod.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso