Home NATIONWIDE Heat index sa Dagupan City pumalo sa 40°C

Heat index sa Dagupan City pumalo sa 40°C

137
0

MANILA, Philippines – Nagsimula nang magparamdam ang tag-init sa bansa kasabay ng inaasahang pagpalo sa 40 degrees Celsius na heat index sa Dagupan City ngayong Martes, Marso 24.

Ito ang ikalawang araw na ang heat index ay pumalo sa mataas na lebel.

Ibinabala ng PAGASA na ang 40°C heat index ay nasa ilalim ng “extreme caution” category na pinakamataas na naitala sa Region 1 sa ngayon.

Ang Bacnotan at Laoag City naman ay may heat index na 35°C, habang ang Batac ay nakapagtala ng 34°C at Sinait ay 33°C.

Ayon sa PAGASA, ang heat index ay tumutukoy sa “apparent temperature,” o nararamdamang init ng katawan sa pinagsamang air temperature at relative humidity.

Nitong Lunes ay idineklara ng PAGASA ang pagtatapos ng northeast monsoon o Amihan na hudyat ng pagpasok ng bansa sa tag-init. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here