SINIBAK sa pwesto ang chief of police ng Makati City at iba pang police officer at personnel ng Substation 6 makaraang magpahayag ng pagkabahala si Act Teachers Party-list Rep. France Castro hinggil sa pagpapaputok ng baril ng pulis malapit sa kanyang kotse habang nasa Makati Avenue, Makati City.
Ayon sa kautusan ni Police Brig. Gen. Anthony A. Aberin, National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, ang pag-aalis sa pwesto kay PCol. Talento, Makati City police chief, kay PMaj Salazar, Commander ng Police Sub-Station 6 Makati at iba pang sangkot na personnel ay bahagi ng pagsasagawa ng imbestigasyon sa insidente.
“Pending investigation, the Chief of Police of Makati City Police Station, the Police Commander of Sub-Station 6 and personnel directly involved in the incident will be relieved from their posts to pave way to an impartial inquiry on the matter,” sabi sa NCRPO statement.
Ang kautusan ni Gen. Aberin para sa imbestigasyon ay nag-ugat sa ipinalabas na statement ni Congesswoman Castro sa isang Congress hearing kung paano niya nasaksihan ang pamamaril ng isang pulis malapit sa kanyang sasakyan.
Ayon kay Castro nangyari ang insidente sa Bonifacio Global City, samantalang sa police report nakasaad ang insidente ay nangyari sa Makati Avenue dakong 11 ng gabi nitong Dec. 11.
Sa nakuhang impormasyon, dati nang may pagtatangka sa buhay ni Castro kaya nag-alala ang mambabatas..
Ayon naman sa importante ng Remate, ang pinaputukan ng bagitong police patrolman ay snatcher na kabilang sa grupo ng mga namemerwisyo sa business establishments st mga customers sa naturang lugar.
Higit pa rito, naging pagkukulang umano ng bagitong pulis ang hindi agarang paggawa ng spot report na naglagay sa alanganin sa substation commander.
“Nerbyoso. Agad namutok eh snatcher lang yon, wala sa procedure, ang dami pang tao,” sabi ng source.
Binigyang diin ni Aberin na lahat ng police operations ay dapat ginagawa “in accordance with the Police Operational Procedures.”
Kinukwestyon ni Castro kung bakit kailangang mamaril ng pulis sa mataong lugar na naglipana ang mga mamamayan, civilian motorists, commuters at pedestrians.
“Right now, our investigators are on the ground to determine the details of the incident. Part of the investigation is to find out why no report was made by Makati City Police Station regarding the incident,” sabi ni Aberin.
“NCRPO would like to assure everyone, especially Hon Franz Castro that NCRPO will uncover the details of what happened and if any members of NCRPO committed transgressions against policies, they will not be tolerated and will be penalized accordingly,” … Any deviations from the Police Operational Procedures during operations will be dealt with accordingly,” sabi pa ni Aberin. (Dave Baluyot)