Home NATIONWIDE Herbosa: PhilHealth health insurance ‘di pensyon

Herbosa: PhilHealth health insurance ‘di pensyon

MANILA, Philippines- Hindi nagbibigay ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ng pension insurance sa mga miyembro nito, ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa nitong Biyernes.

Binanggit ni Herbosa, siya ring pinuno ng PhilHealth Board of Directors, na magkaiba ang health insurance at pensyon at kapwa nagbibigay ng financial protection sa magkaibang paraan.

“I have been reading comments about the PhilHealth issue. It seems many do not understand the difference between pension and health insurance,” pahayag niya.

Nagbibigay ang pension insurance ng “steady income stream” pagkatapos ng retirement, tinitiyak ang financial stability at seguridad sa pagtanda.

Samantala, saklaw ng health insurance amh medical expenses, hospitalization, at iba pang health care-related costs, pumoprotekta laban sa financial strain dahil sa kasakitan o injury.

Sa Pilipinas, nag-aalok ang Social Security System at Government Service Insurance System ng pension insurance, habang nanggagaling naman ang health insurance sa PhilHealth at private insurers.

Sinabi ni Herbosa na tinatrato ng PhilHealth management, kaiba sa Board, ang pondo ng state insurer tulad ng pension fund.

“That’s why their emphasis has been to protect the fund and resist paying the health benefits of its members. We need to fix this broken system,” giit niya.

Hindi binigyan ang PhilHealth ng government subsidy para sa indirect contributors nito para sa susunod na taon.

Inaprubahan naman ng PhilHealth Board ang P284 bilyong corporate operating budget (COB) para sa Fiscal Year 2025. RNT/SA