Manila, Philippines – Sino’ng hindi mabubuwisit kung ang mensaheng natanggap mo ay nag-i-inquire kung magkano ang presyo mo para sa isang gabi?
Ganito nga ang sinapit ni Herlene Budol, who shared her experience on her Instagram Story.
Aniya, nakatanggap daw siya ng mensahe na: “Hello, I’m Gov.”
Sabay hirit daw ng: “Can I ask if available ka for one night stand at magkano?”
Sinubukan pa raw nitong tawagan si Herlene.
Kaso, hindi sinagot ni Herlene ang tawag hanggang sa pinresyuhan na siya ng P150,000.
Dahil nairita, pinagmumura ni Herlene ang message sender: “Hello Gov, paky*, sa iyo na ang P150,000 mo! Itulong mo na lang ‘yan sa nasasakupan mong lugar. God bless! Hahaha!”
Kaagad ding binlock ni Herlene ang nagpadala sa kanya ng message na hindi na niya pinangalanan o binanggit kung saan ito nagsisilbing gobernador.