Home NATIONWIDE Hidilyn Diaz planong patayuan ng rebulto sa Zamboanga City

Hidilyn Diaz planong patayuan ng rebulto sa Zamboanga City

213
0

MANILA, Philippines – Maaaring makatanggap ng mataas na pagkilala ang kauna-unahang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz sa kanyang hometown na Zamboanga City sa planong pagpapatayo ng istatwa nito.

Nitong Sabado, Enero 17 ay ibinahagi ni Zamboanga City Mayor Khymer Adan Olaso ang plano ng lokal na pamahalaan na magtayo ng rebulto para kay Diaz matpaos ang kanyang makasaysayang pagkapanalo sa Tokyo Games noong 2021.

“As you know, we’re the first-ever who got gold medal from the Olympics, it’s coming from Zamboanga City, [from] no less than our weightlifter, Ms. Hidilyn Diaz,” sinabi ni Olaso.

“Panahon na siguro gumawa ng mga statue [para] sa kanila. So, habang buhay pa sila, nakikita nila ‘yung ginawa nila para sa ating bansa,” pagpapatuloy niya.

Sa pagpapaliwanag sa dahilan ng inisyatiba, sinabi ng alkalde na “nobody can break the record” of Diaz as the country’s first Olympic champion.

“For the statue, Ms. Hidilyn Diaz glorified our country. The first-ever Olympic gold medalist—nobody can break that record. Kahit magkaroon pa ng bagong Olympian na magkaroon ng gold medal, kahit tatlo o apat masungkit niya, pero he or she cannot break the record of Ms. Hidilyn,” ani Olaso.

Sinabi pa nito na nakausap na niya si Diaz para ipaalam ang plano ng lungsod at sinabing wala itong problema rito.

“I spoke to Diaz when I was in Thailand last month. Sinabi ko, nagpaalam ako, ‘kung pupwede ba kita gawan ng statue, lagay namin sa upcoming project namin na rotunda sa Zamboanga to inspire more athletes? Kasi we’re very proud of you.”

“Sabi naman ni Ms. Hidilyn, ‘wala naman problema,’ sabi niya. ‘Okay lang kung lalagyan mo’.”

“So this statue, most likely, will be constructed by April, May, or June sometime. Because we’ll be allocating budget coming from our supplemental budget sa upcoming March,” dagdag pa ng alkalde. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here