Home NATIONWIDE Higit ₱1 sirit-presyo sa produktong petrolyo, nakaumang

Higit ₱1 sirit-presyo sa produktong petrolyo, nakaumang

279
0

MANILA, Philippines – Asahan ng mga motorista ang mahigit ₱1 kada litrong dagdag-presyo sa petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa Department of Energy, base sa apat na araw ng trading sa Mean of Platts Singapore (MOPS), tinatayang tataas ang presyo ng:

Gasolina: ₱0.90 hanggang ₱1.40

Diesel: ₱1.00 hanggang ₱1.40

Kerosene: ₱1.00 hanggang ₱1.20

Apektado ang presyo ng mga pandaigdigang salik gaya ng positibong US-China trade signals, pagkaantala sa US-Iran nuclear talks, at inaasahang patuloy na demand sa langis ayon sa OPEC.

Iaanunsyo ng mga kompanya ng langis ang opisyal na dagdag-presyo sa Lunes, Hunyo 17, at ipapatupad ito kinabukasan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here