Home HOME BANNER STORY Higit 1.35M pasahero inaasahan sa NAIA sa Semana Santa

Higit 1.35M pasahero inaasahan sa NAIA sa Semana Santa

132
0

MANILA, Philippines – Inaasahan ng New NAIA Infra Corp. (NNIC), operator ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ang mahigit 1.35 milyong pasahero na dadaan sa paliparan sa peak travel period para sa Semana Santa o mula Marso 28 hanggang Abril 5, 2026.

Sa pahayag, sinabi ng NNIC na tinatayang nasa kabuuang 1,353,265 pasahero ang dadaan sa NAIA para sa siyam na araw na travel period, mas mataas kumpara sa 1,326,730 passenger volume na naitala noong Semana Santa ng 2025.

Sinabi ng NNIC na nananatiling mataas ang passenger demand sa kabila ng tensyon sa Middle East na nagresulta sa mga flight suspension at operating restrictions.

Para makatulong sa dagsa ng mga pasahero ay naglagay ng karagdagang hakbang ang NNIC sa paliparan kabilang ang deployment ng mas maraming tauhan sa check-in counters, immigration at security screening areas, pakikipag-ugnayan sa mga airline at ground handlers, at extended na oras ng passenger assistance desks, at real-time monitoring ng terminal congestion.

Ipatutupad ang mga ito sa pakikipagtulungan s government partners kabilang ang Department of Transportation (DOTr), Manila International Airport Authority (MIAA), Bureau of Immigration (BI), Bureau of Customs (BOC), Office for Transportation Security (OTS), maging sa mga airline, ground handlers, at iba pang airport stakeholders.

Inaasahan naman ng NNIC na magiging ‘busiest day’ ng Semana Santa ang Abril 5 o Easter Sunday sa inaasahang 158,884 pasahero na sinundan ng Marso 28 sa 157,804.

Magiging mas mataas naman sa 143,000 ang arawang passenger volume sa naturang travel period.

Sa Terminal 3 naman ang inaasahang may pinakamaraming pasahero sa 712,932 pasahero na sinundan ng Terminal 2 sa 346,342 at Terminal 1 sa 293,990. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here