Home HOME BANNER STORY Walang taas-presyo sa pangunahing produkto ‘gang Abril 16

Walang taas-presyo sa pangunahing produkto ‘gang Abril 16

158
0

MANILA, Philippines – Siniguro ng Department of Trade and Industry (DTI) na walang magiging paggalaw sa presyo ng pangunahing produkto hanggang sa kalagitnaa ng Abril.

Ayon kay Trade Secretary Cristina Roque, wala pang namomonitor na paggalaw sa presyo ng basic necessities at prime commodities ang DTI.

Ani Roque, sakop nito ang nasa 205 stock keeping units (SKUs) na ibinibenta sa mga supermarket, grocery, at online platforms.

Ang mga produktong ito ay mananatili sa kasalukuyang presyo hanggang Abril 16 habang ang iba pang item ay inaasahang pananatilihin ang presyo hanggang sa katapusan ng Abril.

“We will not have any price increase up to April 16. And we will keep on updating them. Kasi may mga ibang produkto na hanggang end of April, wala pong price increase,” sinabi pa ni Roque.

Nakipagkita na ang DTI sa mga manufacturer at retailer at siniguro naman ng mga ito sa ahensya na may sapat na suplay at inventory na makatutulong na maiwasan ang price adjustments sa ngayon.

Kabilang sa mga produktong minomonitor ay ang canned sardines, corned beef, cup noodles, bottled water, kape, gatas, iba pang dairy products at kandila.

Nilinaw naman ni Roque na hindi lahat ng produkto ay sakop ng listahan dahilan para gumalaw pa rin ang presyo ng ilang brand o varities.

Dahil dito ay hinimok ang mga consumer na i-tsek ang listahan ng basic necessities and prime commodities (BNPC) sa mga grocery at supermarket, maging sa official website ng DTI.

Nagsasagawa ng lingguhang pagpupulong ang ahensya kasama ang mga manufacturer at patuloy ang gagawing monitoring ng sitwasyon hanggang sa Abril 16.

Nakadepende naman sa assessment ang desisyon sa price adjustments pagkatapos ng Abril 16.

“Titingnan natin ulit, because weekly po ang usap namin with the manufacturers.”

Ang pahayag ni Roque ay kasunod ng sinabi ng Philippine Amalgated Supermarkets Association Inc. na ilang supermarket ang magtataas ng presyo ng mga produkto simula Abril 1.

Hindi naman umiiral ang price freeze sa basic necessities and prime commodities (BNPC) kahit pa idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang national energy emergency sa bisa ng Executive Order (EO) 110.

“Following the issuance of Executive Order No. 110, which declares a State of National Energy Emergency, the DTI clarifies that an automatic nationwide price freeze under the Price Act (R.A. 7581) is not currently in effect,” ayon sa DTI. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here