Home NATIONWIDE Higit 1.3M kandidato naghain ng COC para sa BSKE 2023

Higit 1.3M kandidato naghain ng COC para sa BSKE 2023

MANILA, Philippines- Mahigit 1.3 milyong indibidwal ang naghain ng certificate of candidacy para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na nakatakda ngayong taon, ayon sa pinakabagong datos ng Commission on Elections (Comelec).

Batay sa partial report hanggang nitong Linggo, alas-11:30 ng umaga, 1,316,265 aspirants ang naghain ng their certificates of candidacy — 92,173 para sa punong barangay positions, 690,531 para sa sangguniang barangay members, 85,816 para sa SK chairperson, at 447,745 para sa SK members.

Mayroong 115,483 kandidatong naghain nitong Linggo, sa ika-anim na araw ng filing: 5,158 para sa punong barangay, 42,198 para sa sangguniang barangay members, 9,009 para sa SK chairperson, at 59,118 para sa SK members.

Sa kabuuang bilang, 65.43% ng mga aplikante ay lalaki, habang mga babae naman ang natitirang 34.57%.

Maglalaban ang mga kandidato para sa kabuuang 672,016 pwesto— 42,001 punong barangay, 294,007 sangguniang barangay, 42,001 SK chairpersons, at 294,007 SK members.

Mayroong halos 2,085,142 voter registrants para sa BSKE elections hanggang nitong January 28, 2023, kabilang ang 2.076 milyon na dumaan sa regular process, habang prinoseso ang 8,651 sa pamamagitan ng Registration Anywhere Project. RNT/SA