Home NATIONWIDE Religious dialogue vs fundamentalism inihirit ni Pope Francis

Religious dialogue vs fundamentalism inihirit ni Pope Francis

ULAANBAATAR- Hinimok ni Pope Francis nitong Linggo ang lahat ng relihiyon na mamuhay nang may pagkakasundo at iwasan ang ideolohikal na pundamentalismo na nagdudulot ng karahasan.

Nagsalita si Pope Francis sa isang inter-religious meeting sa Mongolian capital na Ulaanbaatar, kasama ang iba pang mga kinatawan ng relihiyon — ang uri ng pagtitipon na binatikos ng mga konserbatibong kritiko ni Pope Francis.

Ang pangunahing layunin ng pagbisita ng papa sa Mongolia ay upang makilala ang maliit na komunidad ng Katoliko sa bansa, na may 1,450 miyembro, na isa sa pinakamaliit sa mundo.

Ginamit ng papa ang paglalakbay upang magbigay ng maliwanag na mensahe sa Beijing na walang dapat ikatakot ang mga pamahalaan mula sa Simbahang Katoliko dahil wala itong political agenda. Ang China, na sinasabi ng mga human rights group na pinipigilan ang kalayaan sa relihiyon, ay may mahirap na relasyon sa Vatican.

“Religions are called to offer the world this harmony, which technological progress alone cannot bestow,” sabi ni Pope Francis matapos makinig sa mga talumpati mula sa mga pinunong kumakatawan sa mga Mongolian Buddhists, Muslims, evangelicals, Jews, Orthodox, Mormons, Hindus, Shintos, Bahais at shamans.

“Brothers and sisters, today we are meeting together as the humble heirs of ancient schools of wisdom. In our encounter with one another, we want to share the great treasure we have received, for the sake of enriching a humanity so often led astray on its journey by the myopic pursuit of profit and material comfort,” anang papa.

Binatikos ng mga konserbatibong Katoliko, gaya ni Bishop Athanasius Schneider ng Kazakhstan, ang papa dahil sa pagdalo sa mga naturang pagtitipon, na tinawag silang “a supermarket of religions” na nagpapababa sa katayuan ng Simbahang Katoliko.

Ngunit inulit ng papa noong Linggo na binigyan niya ng malaking kahalagahan ang “ecumenical, inter-religious at cultural dialogue.”

Sinabi niya na ang diyalogo ay hindi nangangahulugang “pagtakpan ang pagkakaiba” ngunit upang maghanap ng pang-unawa at pagpapayaman.

Kinondena niya ang “narrowness, unilateral imposition, fundamentalism and ideological constraint,” na sinasabi niyang sumisira sa samahan, nagpapaigting sa tensyon, at kumokompromiso sa kapayapaan.

Nakita ng Mongolia ang muling pagkabuhay ng Tibetan Buddhism mula nang bumagsak ang pamahalaang Komunista na suportado ng Soviet noong 1990, at ang Dalai Lama ay itinuturing na pangunahing espirituwal na pinuno nito.

Gayunman, paulit-ulit na pinipilit ng China ang Mongolia na huwag payagang bumisita ang ipinatapong 88-taong-gulang na pinuno ng Tibet, na binansagang isang mapanganib na separatist.

Ilan sa mga pinuno, kabilang ang kinatawan ng mga Hudyo, si Yair Jacob Porat, at ang shaman, ay nagbigay ng isang espesyal na pagpapala mula sa kanilang mga relihiyon sa papa, na hiling ang kanyang kalusugan at mahabang buhay.

Iilan lamang ang mga permanenteng residenteng Hudyo sa Mongolia, na naglilingkod sa karamihan ay mga turista at business travelers. Jocelyn Tabangcura-Domenden