Home METRO Higit 11-M droga nasamsam ng Pulis Binangonan

Higit 11-M droga nasamsam ng Pulis Binangonan

308
0

BINANGONAN, Rizal – Aabot sa mahigit P11 Milyon halaga ng droga ang nasamsam ng Municipal Drug Enforcement Team, Binangonan MPS mula sa 2 HVI sa isinagawang buy bust operation sa Binangonan Rizal.

Sa inisyal na report ng Binangonan MPS na ipinarating sa tanggapan ni Rizal Provincial Office PD PCOL Feloteo Gonzalgo, isinagawa ang buy bust operation na may PDEA coordination kanginang dakong 2:45 ng madaling araw December 14, 2025 sa Teacher’s Village St., Brgy. Mambog, Binangonan, Rizal.

Kabilang sa mga naaresto sina alyas Labo residente ng  Teacher’s Village, Brgy. Mambog, Binangonan, Rizal at Beki residente ng Quirino St., Brgy. San Isidro, Tanay, Rizal.parehong nasa hanay ng high value individuals.

Parehong binasahan ng kanilang karapatan ang 2 suspek.

Sa isinagawang buy bust operation Laking gulat ng mga awtoridad nang pagbukas nila sa Isang tool box ay tumambad sa kanila ang maraming shabu at mayroon ding nakuhang baril.

Kabilang sa mga nasamsam ng mga awtoridad ang 4 na porasong  heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu. 6 na piraso ng knot tied transparent plastic na may lamang shabu, 1 self-sealing plastic na may lamang shabu na may kabuuang timbang na 1,676.52 grams at may Standard Drug Price na Php11,400,336.00;

Nabawi rin ang 2 piraso ng tig Isang libong piso na  buy-bust money; Isang kualy color gray hard case plastic tool box; 6 na piraso ng Php500.00 peso bills, 2 cell phone, Isang unit ng caliber .38 revolver na may 4 na bala at Isang unit ng Suzuki Swift.

Ang mga suspek na kasalukuyang nakapiit sa Binangonan MPS Custodial Facility ay nahaharap sa kasong paglabag sa sections 5 and 11 of Article II of Republic Act 9165 and paglabag sa Republic Act 10591 illegal possession of firearms. (Maritess Pumaras)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here