Home NATIONWIDE Higit 135 Chinese maritime militia vessels umaligid nanaman sa Julian Felipe Reef

Higit 135 Chinese maritime militia vessels umaligid nanaman sa Julian Felipe Reef

MANILA, Philippines – Mas dumami pa ang nakakalat na Chinese maritime militia (CCM) vessels sa Julian Felipe Reef, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Maalala na 111 CCM lamang ang namataan noong Nobyembre 13 at naging 125 sa huling pagmamanman ng Armed Forces of the Philippines.

Bilang tugon sa nakakaalaang pagbabago, inatasan ni National Security Adviser at National Task Force on the West Philippine Sea Chair General Eduardo Año, ang PCG na magpadala ng maritime patrol upang magpadala ng challenge at dokumento sa illegal na presensya ng CMM sa Julian Felipe Reef.

Nitong Sabado, nagpadala si PCG Commandant, Coast Guard Admiral Ronnie Gil Gavan, ng PCG vessels ang BRP Sindangan at BRP Cabra, para magsagawa ng patrols sa bisinidad ng Julian Felipe Reef.

“No response was made to the radio challenges issued by the PCG to the CMM vessels which is now estimated to have grown to more than 135 vessels dispersed and scattered within Julian Felipe Reef. ” ayon sa PCG.

Ang Julian Felipe Reef ay matatagpuan sa layong 175 nautical miles sa kanluran ng Bataraza, Palawan, at itinuturing na low tide elevation sa loob ng territorial sea ng mga kaugnay na high tide features sa Kalayaan Island Group, kabilang ang Chigua Reef, kung saan ang Republika ng Pilipinas ay may soberanya.

Binigyang-diin ni Gavan na ang coast guard vessel ay patuloy na magpapatrol sa WPS katuwang ang mga kaugnay na bahagi ng NTF WPS.

Binigyang-diin niya ang walang humpay na pagpupursige ng PCG na gampanan ang pangunahing makabayan nitong tungkulin bilang tagapagtanggol ng mga batas at tuntunin upang matiyak na ang lahat ng Pilipino ay magtamasa ng kapayapaan at kaunlaran sa lahat ng maritime territories at hurisdiksyon ng bansa na naaayon sa direksyon ng patakaran ng Pangulo, Ferdinand R. Marcos Jr. Jocelyn Tabangcura-Domenden