Home HOME BANNER STORY M-6 na aftershock yumanig sa Surigao del Sur

M-6 na aftershock yumanig sa Surigao del Sur

MANILA, Philippines – Muling niyanig ng magnitude 6 na lindol ang silangan ng Hinatuan nitong Lunes, Disyembre 4, ng madaling araw na isang aftershock ng magnitude 7.4 na lindol na tumama sa Surigao del Sur nitong Sabado, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ang magnitude 6 na aftershock ay tumama sa layong 98 kilometro hilagang-silangan ng Hinatuan, tectonic ang pinagmulan, at may 10 kilometrong lalim ng focus bandang alas-3 ng umaga.

Nasukat ang aftershock sa instrumental Intensity III sa Tandag City ng Surigao del Sur.

Inaasahan ang pinsala mula sa sumunod na lindol.

Niyanig ng magnitude 7.4 na lindol ang Hinatuan, Surigao del Sur alas-10:37 ng gabi nitong Sabado, Disyembre 2.

Isang buntis ang namatay matapos bumagsak ang isang pader sa kanya. Isinugod siya sa ospital ngunit idineklara itong dead on arrival. Santi Celario

Previous articleHigit 135 Chinese maritime militia vessels umaligid nanaman sa Julian Felipe Reef
Next article#WalangPasok sa Davao City; WFH ipinanawagan matapos ang M-7.4 quake