MANILA, Philippines – Inaasahan ang mahigit 150,000 biyahero na daraan sa Ninoy Aquino International Airport araw-araw sa Semana Santa, sinabi ng New NAIA Infra Corp. (NNIC).
Ayon kay NNIC general manager Lito Alvarez, ang inaasahang bilang ay mas mataas sa 145,000 na naitala nila sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
“Versus last year’s numbers, ineexpect namin na tataas ito… ngayon 155,000 to 157,000 daily [during Holy Week],” ani Alvarez.
Sa kabila ng inaasahang dagsa ng mga biyahero, kumpiyansa si Alvarez na matutugunan ng NAIA at NNIC ang surge.
“So pagtulungan natin ito, ‘yung support na ginagawa natin sa ating mga pamahalaan sa NNIC, MIAA (Manila International Airport Authority) at sa DOTr (Department of Transportation), napakalaking bagay noon – para mag-create ang government kung ano ang dapat gawin para walang ma-delay na biyahe,” aniya. RNT/JGC