MANILA, Philippines – UMUSAD at nagbunga na ang ginagawang pagsisikap at pagpo-promote ng administrasyong Marcos sa turismo ng Pilipinas.
Ito’y matapos makuha ng Pilipinas ang 7 nominasyon sa prestihiyosong Travel Awards 2025.
“Nominado muli sa iba’t ibang kategorya sa 2025 World Travel Awards ang Pilipinas,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.
“Ang mga nominasyong ito ay patunay sa likas na ganda ng Pilipinas at masigasig na pagtutok ni Pangulong Marcos at ng administrasyon sa turismo,” dagdag na wika nito.
“The Philippines is defending its titles with nominations for Asia’s Leading Beach Destination, Asia’s Leading Dive Destination, and Asia’s Leading Island Destination,” ang inanunsyo ng Department of Tourism (DOT).
Pinangalanan din bilang mga nominado ang mga pangunahing tourist destinations sa bansa sa mga sumusunod na kategorya: Boracay bilang Asia’s Leading Luxury Island Destination; Intramuros bilang Asia’s Leading Tourist Attraction; at Cebu bilang Asia’s Leading Wedding Destination.
Nominado rin ang DOT bilang Asia’s Leading Tourist Board.
Sinabi naman ni Castro na ang pagkakahirang sa bansa ay “another good news” for the country.
Ang mga botante ay kailangan na gumawa ng account na https://www.worldtravelawards.com/vote upang magawang makaboto para sa Pilipinas sa iba’t ibang kategorya ng 32nd edition World Travel Awards’ na nagbukas noong April 1 at tatakbo hanggang Aug. 31.
Hawak ng Pilipinas ang titulong Asia’s Leading Dive Destinations simula pa noong 2019.
Taong 2019 din, ang Boracay Island ay itinanghal bilang Asia’s Leading Luxury Island Destination, habang ang Spanish-era walled na city of Intramuros ay tinawag na Asia’s Leading Tourist Attraction, at ang Cebu bilang Asia’s Leading Wedding Destination. Kris Jose