MANILA, Philippines – Wala nang ibang opsyon ang gobyerno kundi isuko na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) na nahaharap sa kasong crimes against humanity.
Nanindigan si Justice Secretary Crispin Remulla Remulla na hindi na kailangan ang local court order dahil si Duterte ay naiturn-over na sa ICC at hindi naman ipinatapon sa The Hague.
“Extradition can’t be used here because we can’t file for extradition since the person is already here with us,” ani Remulla.
Nilinaw ng kalihim na ang extradition na nakasaad sa batas ay kapag ang korte o isang bansa na may hawak na warrant ay naghain ng extradition sa Pilipinas.
Dahil dito, ang tanging opsyon aniya ay isuko sa ICC ang dating pangulo.
Binigyan-diin ni Remullanl na binigyan ng ICC ng kaukulang proseso ang kampo ni Duterte.
“As far as we know, this case was investigated for seven years. Notices were given to the concerned parties, informing them that they could be charged, and they were allowed to respond. I know for a fact that they were given notices, questions were provided to them, and they were allowed to answer,” dagdag ni Remulla.
Normal aniya na proseso na binibigyan ng pagkakataon ang isang akusado na sagutin ang akusasyon laban sa kanya.
Sinabi ng kalihim na kahit kumalas na ang Pilipinas sa treaty kung saan naitatag ang ICC, mayroon pa rin “residual powers” ang naturang korte. TERESA TAVARES