Home HOME BANNER STORY Kerwin Espinosa, 2 iba pa sugatan sa pamamaril

Kerwin Espinosa, 2 iba pa sugatan sa pamamaril

MANILA, Philippines – Ligtas na sa kapahamakan ang self-confessed drug lord at mayoralty candidate ng Albuera, Leyte na si Roland ‘Kerwin’ Espinosa matapos barilin ng hindi pa tukoy na gunman habang nangangampanya.

Nangyari ang pamamaril sa loob ng gymnasium sa Brgy Tinag-an.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril si Espinosa sa tagiliran na agad dinala sa ospital sa Ormoc City.

Batay sa report, nakaupo si Espinosa habang naghihintay sa oras niya na makapagbigay ng speech nang barilin ito.

Sa inisyal na imbestigasyon, posibleng nagtamo umano sa kisame ng gymnasium ang gunman.

Kinumpirma rin ng pulisya na sugatan sa pamamaril ang dalawa iba pang biktima kabilang ang menor de edad.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente. RNT/JGC