Home NATIONWIDE Higit 1K pamilya apektado ng Habagat sa Antique

Higit 1K pamilya apektado ng Habagat sa Antique

1
0

MANILA, Philippines – Nasa kabuuang 1,206 pamilya o 3,782 indibidwal ang apektado ng Habagat na pinalakas ng Bagyong Inday sa Antique, iniulat ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) nitong Biyernes, Hulyo 10.

Ayon kay PSWDO social worker Jason Alagos, 159 sa apektadong pamilya o 469 indibidwal ang tumutuloy sa evacuation centers habang ang iba ay pansamantalang tumutuloy sa mga kaanak at kaibigan.

Ang mga evacuee ay nagmula sa mga munisipalidad ng Tobias Fornier, Anini-y, Barbaza at Culasi.

Nakapagtala rin ang PSWDO ng 17 napinsalang bahay, kabilang ang isa na totally damaged at 16 na nagtamo ng partial damage.

Sa hiwalay na panayam, sinabi ni Barbaza Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) Prechie Alavatas na sinimulan ang preemptive evacuation noong Hulyo 8 para sa mga residenteng naninirahan malapit sa Dalanas River dahil sa inaasahang pagbaha.

“The local government unit of Barbaza anticipated the overflow of the Dalanas River because of the heavy rainfall,” aniya.

Mayroong 60 pamilya, o 219 indibidwal ang nananatili sa evacuation centers sa Barbaza.

“The Department of Social Welfare and Development (DSWD) has already released 690 family food packs to the evacuees and other displaced families,” sinabi ng MSWDO.

Naghahanda na ang lokal na pamahalaan ng karagdagang family food packs para ipamahagi, at patuloy naman ang MSWDO at DSWD sa pagbibigay ng psychosocial support sa mga evacuee.

Nagbibigay din ang lokal na pamahalaan ng hot meals sa mga inilikas na residente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here