Aabot sa 923 Person Deprived of Liberty (PDL) ang boboto ngayong 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Election sa Bureau of Correction mula sa Maximum, Minimum at Medium Security Compound ng Bucor. Cesar Morales
MANILA, Philippines – Nasa kabuuang 1,058 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa iba’t ibang prisons at penal farms ang pinalaya na ngayong Marso.
Inanunsyo ng Bureau of Corrections (BuCor) na dahil dito ay umabot na sa 20,629 na PDL ang napalaya na sa ilalim ng Marcos administration.
Sa ginanap na culminating activity sa New Bilibid Prison (NBP) compound sa Muntinlupa City, pinayuhan ni Justice Undersecretary Deo Marco ang mga bagong laya na PDL na patunayan nila ang sarili sa labas at tiyakin na magtatakda ng sariling layunin.
Aniya, ang layunin ng mga dating PDL ay ipakita sa mundo na mas mabuti pa silang tao kesa nang pumasok sila sa piitan.
“So iyon ang una ninyong gawin. Tanggapin niyo ang nakaraan pero huwag niyong hayaan na ito ang tutukoy sa inyong future,” ani Marco.
Ayon sa BuCor, 747 ay pinalaya matapos mapaso na ang kanilang sentensya, 159 ang nabigyan ng parole, 112 ang napawalang sala, 21 ay nabigyan ng probation, 18 ang napagkalooban ng habeas corpus at isa ay nai-turn over sa korte.
Nabatid na 506 na pinalayang PDL ay mula sa NBP; 68 sa Correctional Institution for Women (CIW) ; 141 mula sa Davao Prison and Penal Farm; 114 mula sa San Ramon Prison and Penal Farm; 96 sa Iwahig Prison and Penal Farm; 81 sa Leyte Regional Prison; at 52 sa Sablayan Prison and Penal Farm.
Sinabi ng BuCor na marami pang nakalinya na palalayain. TERESA TAVARES